Bakit nga ba me mga taong dumarating sa ating buhay na sa pagdating ng takdang panahon sila din ay lilisan? Hindi ba maaring sila ay manatili sa ating piling upang tayo ay di mangulila sa kanila?
Pitong taon na rin ang nakakaraan ng pumanaw ang aking biyenan. Ang inang umaruga sa amin at sa aking mga anak. Tandang tanda ko pa ang masasayang ala ala ng s'ya ay kapiling pa namin. Malugud n'ya kaming sinamahan ng aking asawa sa aming pagpapalaki sa aming apat na anak. Hindi lang s'ya isang mabuting ina. Isa rin s'yang lolang mapagmahal sa kanyang mga apo.
Hindi ko makakalimutan ang pag aasikaso at pagmamahal na nadama ko sa loob ng labing pitong taon naming pagsasama. Nananatili pa sa aking isipan ang mga pagkakataong ako ay kanyang ipagluto ng pagkaing gustong gusto ko. Ibili ng mga prutas na aking paborito. Mga paraang naramdaman ko sa aking puso na mahalaga ako sa kanya at ako ay mahal n'ya. Nakaka miss ang mga bagay na ito at ako ay lubhang nalulungkot sa aking pag alala sa kanyang kaarawan.
Buhay pa sa aking mga alala ang mga pagkakataong s'ya ay napapasaya ko sa pamamagitan ng pagbibigay ko ng pagkain, damit, kung ano ano pang alam kong kanyang ikakatuwa. Bakas sa kanyang mukha ang kaligayahan sa tuwing s'ya ay bibigyan mo ng regalo sa kanyang kaarawan at aginaldo sa araw ng pasko. Ilang kaarawan na rin at ilang pasko na , na wala na akong binibigyan at ito ay isang nakaugalian ko na, na aking hinahanap hanap. Nakakalungkot isipin na wala na ang taong ito at di na namin s'ya kailanman makakapiling.
Sadya nga po sigurong mahirap makalimutan ang mga araw ng s'ya ay aming nakapiling. Yung mga panahong s'ya ay nagkasakit at naging paralitiko ng dalawang taon, na kung saan amin s'yang inalagaan hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Mga panahong nagibigay ng pagsubok sa aming pamilya at nagbigay ng hamon sa aming kakayahan upang ibigay ang attention at pag aarugang kanyang kinakailangan. Mga ala alang kung saan kami ay nabigyan ng pagkakataon na ipadama ang aming pagmamahal at pagkalinga.
Sa buhay, ang mga taong nagpahalaga at nagmahal sa iyo ay tunay ngang mahirap makalimutan. Mga taong naging bahagi na ng buhay mo. Wala na nga s'ya...wala na kaming tatawaging "Ima" ngunit ang kanyang alala ay mananatili sa aming mga puso habang kami ay nabubuhay sa mundo.
Maraming Salamat "Ima"! We miss you po.
Maligayang Kaarawan mula sa aming pamilya mo!

No comments:
Post a Comment