Thursday, May 28, 2009
Escape...Explore...Experience...
SINGAPORE
Last May 22 I was able to escape from my everyday routine and explore Singapore. The trip I had was really relaxing and was something worth remembering. I had happy moments and memories with my friends. We really had fun.
Saturday, May 9, 2009
Phenomenolohiya ng Isang Ina...
Uha! Uha! Uha...
Iyak ng sanggol ang aking huling narinig bago ako makatulog na me ngiti sa aking mga labi. Alam kong sa pagpikit ng aking mga mata ako ay isa ng ganap na babae at isa ng ina.
Ang magdalantao ay isang karanasang di ko malilimutan sa aking buhay. Hindi biro ang magbuntis sa loob ng siyam na buwan. Sa aking karanasan, iba iba ang aking naramdaman. Nandon na ako ay mahilo, sumakit ang ulo, maramdaman ang sakit ng tyan, makaramdam ng nilalamig, naiinitan, di makatulog, ayaw ng ibat ibang amoy, ayaw ng pagkain at sinusuka at iba't iba pang di mo maipaliwanag na karamdaman. Akala ko noong una ang lahat ng ito ay mga kasabihan lang. Na umaarte lang ang mga buntis, ngunit napagtanto ko na me katotohan pala sa ibang babae ang mga pangyayaring ito at isa ako sa nakaranas nito.
Sabi nila, kapag ang babae ay nasa kabuwanan na, ang isang paa daw nito ay nasa hukay dahil mahirap daw ang mganak. Sadyang ito ay mapanganib dahil di mo nga naman tiyak kung pano ka makakaraos sa pagluwal ng sanggol na nasa iyong sinapupunan. Mahirap ngang ipaliwanag ang pakiramdam ng isang babaeng naghihintay nalang ng araw ng pagsilang nya sa kanyang anak. Pagkainip, pangamba, takot, pagkasabik at galak ang kanyang mararamdaman at higit sa lahat, walang katiyakan kung ano nga ang kanyang sasapitin...nagdadasal at naghahangad na sana'y makaraos s'ya ng maluwalhati.
Tunay ngang ang kabuluhan at ang kahulugan ng isang pagiging ganap na babae ay natutupad sa pagbubuntis nito at sa pagsilang ng isang munting anghel mula sa kanyang sinapupunan. At ang kaganapang ito ay maituturing na isang pagpapala dahil hindi naman lahat ay nabibiyayaan ng isang supling sa kanyang sinapupunan.
Di nga ba't ang iba ay nais na magkaanak ngunit sila ay hindi maaaring magdalantao? Ilan na ba ang nangarap at nagdasal upang sila at mabiyayaan ng isang supling? Ngunit hindi nga lahat ay me kakayahan...hindi lahat ay pinagpala.
Mula sa aking pagkakaidlip...muli kong narinig ang iyak ng isang sanggol...nagising ako....at sa aking tabi ay isang anghel... isang sanggol na lalake na ubod ng pogi. Habang s'ya ay aking tinititigan napaisip ako at nasabi sa aking sarili na...ako nga ay isa ng ina. Napangiti ako dahil sa kagalakang aking naramdaman...sabay sabi ng anghel sa tabi ko...
Uha! Uha! Uha!
Tuesday, May 5, 2009
Captured Moments....
Subscribe to:
Posts (Atom)